Ano-Ano Ang Mga Klima Sa Rehiyon Ng Asya
Ano-ano ang mga klima sa rehiyon ng asya
Answer:
HILAGANG ASYA
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
KANLURANG ASYA
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kaya'y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, into'y kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
TIMOG ASYA
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatili malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
SILANGANG ASYA
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong into, ang mga bansa dito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon- mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon.
TIMOG – SILANGANG ASYA
Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal, nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin. Maraming salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga halaman, at distansya sa mga anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon.
Samantala, ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo't higit yaong mga nasa silangan at Timog – Silangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito, ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.
Direksyon ng Hanging Amihan o Northeast Monsoon na nagmumula sa Siberia patungong Karagatan (kaliwa), at ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon na nagmumula sa karagatan patungong kontinente.
ANG PACIFIC RING OF FIRE
Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay "Ring of Fire," o "Circum-Pacific Seismic Belt". Ang lugar na ito ay nagtataglay na maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga bulkang Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa. Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig.
ANG PACIFIC RING OF FIRE
Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng, bukod sa paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pag- sabog ng bulkan.
Explanation:
Comments
Post a Comment